Kelly Clarkson, may $8.5 million worth na bagong mansion

Kelly Clarkson, may $8.5 million worth na bagong mansion

June 29, 2018 @ 10:55 AM 4 years ago


Hollywood – Ipinasilip na ng pop star at The Voice coach na si Kelly Clarkson ang kanyang $8.5 million worth na bagong bahay sa San Fernando Valley, Los Angeles

Aabot lang naman sa 10,000-square-feet ang mansion ni Clarkson na may 8 na bedroom at 11 na bathroom.

Farmhouse ang tema ng mamahaling mansion ng singer na may sariling wine cellar at home theater.

Bukod dito, mayroon ding swimming pool, spa, covered patio, entertaining space at fire pit ang kanyang humble home.

Sa ngayon ay ipinagbibili naman ng “Love So Soft” singer ang kanyang dating bahay sa Tennessee compound na nagkakahalaga ng $8.75 million. (Remate News Team)