Kelly Williams palalakasin ang TnT

Kelly Williams palalakasin ang TnT

March 5, 2021 @ 9:46 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Target ng TnT KaTropa na muling makuha ang kampeonato sa Philippine Basketball Association (PBA) kaya pinapirma ang dating nilang pambatong si Fil-Am Kelly Williams.

Ayon sa ulat, muli nilang paglalaruin si Williams at pinapirma ito ng dalawang taong kontrata para sa 2021 PBA conference.

Matatandaaang hindi na naglaro si Williams noong 2020 PBA Philippine Cup at tuluyan nang umalis sa koponan.

Inihayag pa ng 39-anyos na si Williams na magreretiro na ito pagdating ng bagong season.

Kumpiyansa si TnT team manager Gabby Cui na magiging isang magandang halimbawa ang beteranong si Williams sa koponan. Rico Navarro


  •  
  •  
  •