Kelot, 2 paslit sinuwag ng police car

Kelot, 2 paslit sinuwag ng police car

March 19, 2019 @ 5:14 PM 3 years ago


Cagayan – Sugatan ang isang lalaki at dalawang bata matapos na araruhin ng isang police car ang sinasakyan motorsiklo ng mga biktima sa Brgy. Iringan, Allacapan, Cagayan kamakalawa.

Sa kwento ni PO3 Christopher John Tan, papunta sana siya sa kanilang himpilan.

Bigla umanong lumiko ang sinusundan niyang motorsiklo ng mga biktimang si Benjamin Diaz Jr. 34, at pamangking sina Adrian, 12; at Elaine Fronda, 13.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon ang mga biktima at nagpagulong-gulong sa kalsada.

Mabilis namang naisugod ang mga biktima sa hospital habang nasa kustodiya na ng Allacapan Police si Tan dahil sa insidente. Remate News Team