Kelot arestado sa pagbebenta ng pekeng vax cards sa QC

Kelot arestado sa pagbebenta ng pekeng vax cards sa QC

January 22, 2022 @ 9:28 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki sa pagbebenta ng pekeng COVID-19 vaccination card sa online, batay sa ulat.

Tinukoy rito ang suspek na si Mark Anthony Cervantes, 33 na nahuli sa East Service Road.

Ayon sa District Anti-Cyber Crime Unit (DACCU) report, napag-alaman ang iligal na aktibidad ni Cervantes sa pamamagitang ng Facebook post ng isang Reylelyn dela Fuente na nag-aalok ng vaccination card sa halagang P400.00.

Dagdag pa ng mga pulis, nakumpiska nila rito ang ilan pang pekeng vaccination card at buy-bust money.

Mahaharap naman si Cervantes sa kasong paglabag sa Revised Penal Code at Republic Act (RA) 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases Law. RNT/FGDC