Kelot at angkas na bebot todas sa riprap ng roadside canal

Kelot at angkas na bebot todas sa riprap ng roadside canal

January 16, 2022 @ 11:15 AM 7 months ago


ILOCOS SUR- Tigok ang isang 21-anyos na lalaki at ang angkas nitong babae matapos bumangga sa riprap ng roadside canal ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Brgy. Sabangan, Santiago ng lalawigang ito kaninang madaling araw.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Robert Abalos Orpilla, 21, construction worker, residente ng Brgy. Guardia, Banayoyo, Ilocos Sur at Jenny Ann Cawis Bacagan, 28, residente ng Brgy. Elefante, Banayoyo, Ilocos Sur.

Sa imbestigasyon, ang Honda XRM 125 na minamaneho umano ni Orpilla ay patungong kanlurang direksyon.

Pagsapit nito sa lugar, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang sa bumangga ang kanilang sasakyan sa riprap ng roadside canal.

Ang driver ay agad na dinala sa Candon General Hospital  matapos ang insidente samantalang si Bacagan ay dinala naman sa Candon City Hospital.

Gayunman, ang dalawa ay parehong idineklarang dead-on-arrival ng mga umatending doktor. Rolando S. Gamoso