Kelot binoga sa ulo sa Arranque Market

Kelot binoga sa ulo sa Arranque Market

July 28, 2020 @ 6:31 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Dead on the spot ang isang 48-anyos na lalaki matapos barilin ng dalawang nakamotorsiklong salarin sa Sta. Cruz, Maynila, Martes ng hapon.

Kinilala ng Manila Police District ang biktima na si Richmann Neal So y Chua, may-asawa, nakatira sa San Juan City.

 

Alas-5 ng hapon nang mangyari ang krimen malapit sa Arranque Market sa kahabaan ng CM Recto kanto ng T. Alonzo  St., Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat ng MPD, dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na sakay ng dalawang motorsiklong itim habang ang isa ay kulay pula ang suspek sa krimen.

Nabatid na nakatayo lamang ang biktima sa nasabing lugar nang lapitan ng mga salarin at binaril nang malapitan sa ulo.

Kasunod nito, tinangay ng mga suspek ang dalang sling bag ng biktima bago tumakas patungo sa direksyon ng Alonzo St..

Inaalam na  ng MPD-Homicide Section kung may mga CCTV sa lugar na maaring makapagbigay ng lead sa pagkakilanlan at ikaaresto ng mga suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...