Kelot dedbol sa dagat

Kelot dedbol sa dagat

December 24, 2022 @ 11:21 AM 2 months ago


ILOCOS SUR-Tigok ang isang 51-anyos na lalaki matapos na malunod sa dagat sa Brgy. Daclapan, Cabugao ng lalawigang ito kahapon, Disyembre 23.

Kinilala ng Cabugao Municipal Police Station ang biktima na si Pedro Viloria Tambua Jr., may asawa, magsasaka, residente ng Brgy. Nagsopotan, San Juan , Ilocos Sur.

Ang biktima na umano’y nasa impluwensya ng alak ay nagpunta sa dagat para maligo.

Mga ilang minuto ang nakalipas, ay  nakita na lang na  nalulunod ang biktima.

Agad naman itong sinaklolohan ng mga kasama.

Nang maiahon mula sa dagat ang biktima, agad itong itinakbo sa Suero General Hospital.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival. Rolando S. Gamoso