Kelot dinukot ng armado, natagpuan bangkay sa Isabela

Kelot dinukot ng armado, natagpuan bangkay sa Isabela

July 11, 2022 @ 10:13 AM 1 month ago


CAUAYAN CITY, ISABELA-Sumisigaw ng katarungan ang pamilya’t kamag-anak ng isang lalaki na matagpuan nang bangkay matapos dukutin at isinakay sa isang sasakyan sa bahagi ng Villarta St, District 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktimang si Marco Salgado, 28 anyos at residente rin sa nabanggit na lugar.

Natagpuan ang bangkay ng biktima sa kalapit na  bahagi ng Barangay Cabaruan dito rin sa nasabing lungsod.

Nagtamo ng maraming saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at nagilitan sa leeg nang matagpuan ang katawan ng biktima.

Posibleng matinding galit ng mga suspek sa biktima kung kayat halos burdado ng saksak sa kanyang katawan at ginilitan pa ang kanyang leeg.

Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pamunuan ni PLtCol. Sherwin Cubtapat, hepe ng Cauayan City Police Station kung sino ang nasa likod ng pamamaslang sa naturang biktima. Rey Velasco