Kelot grinipuhan ng nakaaway na kapitbahay

Kelot grinipuhan ng nakaaway na kapitbahay

July 13, 2021 @ 9:22 AM 1 year ago


ILOCOS SUR-Nasa ospital ngayon at ginagamot ang isang 51-anyos na lalaki matapos na saksakin ng kanyang kapitbahay sa Brgy. San Isidro, Candon City kagabi.

Ang biktima ay nakilalang si Glen Ganat Gravidez, may asawa, construction worker, residente ng naturang lugar.

Nakilala ang suspek na si Erikson Gravidez Vallejos, 29, binata, kapitbahay ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Candon Police, ang dalawa na kapwa nakainom ng alak ay nagkasagutan hanggang sa sila ay mag-away.

Sa gitna ng kanilang away, nabatid na bumunot ng balisong ang suspek at pagkatapos ay dalawang beses na sinaksak ang biktima.

Ang biktima ay agad na dinala sa St. Martin de Porres Hospital matapos ang insidente.

Boluntaryo namang sumuko sa mga rumespondeng miyembro ng Candon City Police Station ang suspek. Rolando S. Gamoso