Kelot grinipuhan sa selos

Kelot grinipuhan sa selos

March 5, 2023 @ 2:54 PM 3 weeks ago


ILOCOS SUR- Isinugod sa ospital ang isang 30-anyos na lalaki matapos saksakin ng dating nobyo ng kanyang dyowa sa Brgy. Cabangtalan, Sinait ng lalawigang ito kagabi.

Kinilala ng Sinait Municipal Police Station ang biktima na si Richard Tolentino y Respicio, 30, binata, tricycle driver, residente ng Brgy. Dadalaquiten Norte ng naturang bayan.

Kinilala naman ang suspek na si Juniefer Tabalbag aka “Nanot”, 30, binata, construction worker, residente ng Brgy. Lubigan, Badoc, Ilocos Norte.

Sinabi sa pulisya ni Princess Icari y Ilac, 31, dalaga, residente ng Brgy. Cabangtalan, Sinait, na habang nag-iinuman sila ng biktima doon sa may kubo sa tabi ng kalsada ng naturang barangay ay biglang dumating ang suspek at basta na lang sinaksak ang biktima.

Ang biktima na nagtamo ng saksak sa kanan na balikat ay agad na isinugod sa Corpuz, Clinic and Hospital sa naturang bayan.

Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Ang suspek ay dati umanong nobyo ni Princess na ngayon ay dyowa naman ng biktima. Rolando S. Gamoso