Kelot huli sa aktong dumudumi sa Manila Bay, sinabon ni Usec. Antiporda

Kelot huli sa aktong dumudumi sa Manila Bay, sinabon ni Usec. Antiporda

September 12, 2020 @ 5:12 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naaktuhan ng tauhan ng Department of Environment and Natural Resources ang isang lalaking dumudumi umano sa may baybayin ng Roxas Boulevard sa Maynila habang isinasagawa ang clean-up sa Manila Bay ngayong Sabado, Setyembre 12.

Sa ulat, pinagalitan ni DENR Undersecretary Benny Antiporda ang naturang lalaki.

“Hirap na hirap kami sa kakalinis, tinataehan mo? Bawal ‘yun eh,” giit ni Antiporda.

Samantala, kasama ni Antiporda na bumisita sa lugar si DENR Undersecretary Jonas Leones para sa clean-up bilang paghahanda sa International Coastal Clean-up Day sa Sept. 19. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...