Kelot, iniluwa ng dagat

Kelot, iniluwa ng dagat

July 24, 2018 @ 4:56 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Natagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang palutang-lutang na bangkay ng isang lalaki sa karagatan sakop ng Pier 18 sa Tondo, Manila.

Base sa ulat ni Det. Michael Maraggun ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 10:00 ng umaga nang mamataan ng grupo ni Petty Officer 1st Class Nelson Corpuz ang bangkay habang binabaybay ang karagatan sa naturang lugar patungong Maynila.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Manila Police District, kung may foul play o nalunod lamang ang lalaki na inilarawan sa edad 30-35, may taas na 5’5 hanggang 5’7, katamtaman ang laki ng pangangatawan, at nakasuot ng itim na damit at pantalon.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, lobo na ang katawan ng biktima nang matagpuan ito at walang anumang pagkakakilanlan sa mga gamit nito. (Rene Crisostomo)