Kelot isinelda sa pananapak sa kinakasama sa Navotas

Kelot isinelda sa pananapak sa kinakasama sa Navotas

June 12, 2022 @ 12:51 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Binitbit sa loob ng selda ang isang kelot matapos sapakin sa mata ang kanyang live-in partner na isang call center agent sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5 of RA 9262 ang suspek na kinilala bilang si Alexander Vargas, 33 ng Judge Roldan St., Brgy. San Roque.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-12:30 ng hapon nang sinundan ng 33-anyos na biktima sa pamamagitan ng kanyang instinct ang suspek.

Dito, nadiskubre ng biktima na ang kanyang ka-live-in at lover umano nito ay nagsasama sa isang bahay sa T. Policarpio St., Brgy San Jose, Navotas City.

Nang komprontahin ng niya ang kanyang live-in partner ay nagalit ito at sinagot siya ng isang suntok na naging dahilan upang magtamo ng contusion hematoma ang biktima sa kanyang kaliwang mata.

Matapos ang insidente, humingi ng tulong ang biktima sa mga tanod ng Barangay San Jose na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. Boysan Buenaventura