Kelot isinelda sa pangmomolestiya sa dalaga

Kelot isinelda sa pangmomolestiya sa dalaga

May 14, 2022 @ 12:41 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Rehas na bakal naman ngayon ang hinihimas ng isang 34-anyos na binata matapos pagsamantalahan ang 18-anyos na dalaga sa Navotas City.

Kinilala ni Northern NCR MARPSTA chief P/Major Randy Ludovice ang naarestong suspek bilang si Neil Alag alyas “Laway” ng Blk 3, Lot 28, Squatter area, Navotas Fish Port Complex (NFPC), Brgy. NBBN.

Ayon kay Major Ludovice, habang natutulog sa loob ng kanyang bahay sa NFPC, Brgy. NBBN ang biktima na itinago sa pangalang “Jovita” dakong ala-una ng madaling araw nang magising siya matapos maramdaman niya na hinihimas ng suspek na lango sa alak ang kanyang dibdib.

Nang komprontahin niya ang suspek ay mabilis itong umalis para tumakas habang humingi naman ng tulong ang biktima sa mga opisyal ng Brgy. NBBN.

Sa isinagawang follow up operation ay agad naaresto ng mga barangay tanod ang suspek saka inurnover nila sa mga tauhan ng Navotas Maritime Police (MARPSTA).

Ani investigator on case PCMS Jennelyn Resma, kasong paglabag sa Art. 336 “Acts of Lasciviousness” RPC ang isinimpa nila sa suspek sa Navotas City Prosecutors Office. Boysan Buenaventura