Kelot itinumba sa away sa patubig

Kelot itinumba sa away sa patubig

July 7, 2021 @ 11:28 AM 1 year ago


LA UNION- Tigok ang isang 57-anyos na lalaki matapos na pagbabarilin sa bukid  dahil sa away sa patubig sa  Brgy. Corro-oy, Santol ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ng Santol Police ang biktima na si Ciriaco Valdez y Ojascastro, may asawa, residente ng Sitio Pilaoan ng naturang barangay.

Ang suspek ay nakilalang si Elpidio Ojascastro y Obaldo, 81, kamag-anak at kalugar ng biktima, residente ng Sitio Guilong ng nasabi ring barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima at ang suspek ay parehong nasa bukid at nagkaroon ng pagtatalo kaugnay sa supply ng patubig na nanggagaling sa irrigasyon sa kanilang lugar.

Ang pagtatalo ay uminit nang uminit hanggang sa humantong sa pamamaril.

Ang biktima na pinagbabaril ng suspek sa iba’t ibang parte ng katawan ay agad na dinala sa Balaoan District Hospital sa Balaoan, La Union matapos ang insidente.

Gayunman, ang biktima  ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Ang suspek ay boluntaryong  sumuko kay Police Lt. Marcelo R. Paneda, Jr., OIC ng Santol Municipal Police Station. Rolando S. Gamoso