Kelot itinumba sa kalsada sa ‘onsehan sa droga’

Kelot itinumba sa kalsada sa ‘onsehan sa droga’

July 26, 2022 @ 12:08 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Onsehan sa droga ang ipinapalagay na dahilan kung bakit itinumba ang isang hindi pa kilalang lalaki, Lunes ng hapon sa Caloocan City.

Tugis naman ng mga pulis ang suspek na si Ferdinand Reyes, 32, na dati na umanong napiit dahil sa droga.

Dakong 2 p.m. nang maganap ang pamamaslang sa Barangay 14, kung saan nagpalinga-linga umano ang suspek bago umupo sa backseat ng isang tricycle na tila may inaabangan.

Pagdaan ng biktimang nakabisikleta, sinundan umano ito ni Reyes at at binaril, saka parang walang nangyaring sumakay sa motorsiklong minamaneho ng isang ‘di nakilalang kasabwat saka tumakas sa crime scene, kung saan anim na basyo ng bala ang narekober. Merly Iral