Kelot kalaboso sa lagpas P1M na bato

Kelot kalaboso sa lagpas P1M na bato

February 26, 2022 @ 12:04 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaki nang makuhanan ng lagpas sa P1M halaga ng shabu sa Caloocan City.

Haharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 si Nasser Kamensa y Sally, 23, ng Barangay 178, Camarin, ng lungsod.

Nasakote si Kamensa 6:50 ng gabi ng Pebrero 24 sa North Elementary Road, Barangay 178, Camarin nang paiskorin ng shabu ang isang undercover, at nang magkaliwaan ng kontrabando at marked money ay agad siyang dinamba.

Aabot sa 150 gramo ng shabu na may presyong P 1,020,000, isang orange na pouch at buy-bust money ang nasamsam sa suspek na idiniretso sa presinto. Merly Iral