Kelot kulong sa baril sa Navotas

Kelot kulong sa baril sa Navotas

April 13, 2022 @ 12:56 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Sa loob ng kulungan magpipinitensya ang isang lalaki matapos ipagyabang sa kanyang mga kalugar ang dalang improvised firearms sa Navotas City, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Melchor Chavez, 26 ng Adelfa St., Brgy., Tanza 1.

Sa imbestigasyon ni PCpl Florencio Nalus, dakong alas-9:30 ng umaga, nagpapatrolya ang mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 1nang may natanggap silang impormasyon mula sa concerned citizen hinggil sa isang lalaki na may bitbit na improvised firearm na nagdulot ng kaguluhan at takot sa mga residente sa E. Rodriguez St., Brgy. Tanza 1.

Kaagad rumesponde sa naturang lugar ang mga pulis at naabutan nila ang suspek na binabato ang bubong ng kanilang kapitbahay habang naghahamon at ibinabandera ang hawak nab aril.

Hindi naman pumalag na ang suspek nang lapitan at arestuhin ng mga pulis kung saan nakumpiska sa kanya ang dalawang improvised firearm na may dalawang bala.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 10591 in relation to Omnibus Election Code. Boysan Buenaventura