Kelot kulong sa panghahalay sa nene sa Navotas

Kelot kulong sa panghahalay sa nene sa Navotas

November 6, 2022 @ 1:42 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Shoot sa kulungan ang isang lalaki matapos gahasain ang isang menor-de-edad na babae na may problema umano sa pag-iisip sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang suspek bilang si Rodante Tenso, 40 ng 147 R. Domingo St., Brgy. Tangos North.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Navotas police, lumabas ang biktima na itinago sa pangalang “Jovy” upang bumili ng pagkain nang lapitan ng suspek ay yayain na sumama sa kanya dakong alas-3 ng hapon.

Sumama naman umano ang biktima sa bahay ng suspek kung saan siya pinagbantaan nito bago pinaghahalikan saka sapilitang ginahasa ng manyakis na lalaki.

Matapos ang insidente, lumabas ang biktima at humingi ng tulong sa mga concerned citizen na sila namang tumawag ng mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Kasong pagpabag sa RA 11648 (Statutory Rape) ang isinampa ng WCPD laban sa suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office. Boysan Buenaventura