Kelot kulong sa pekeng yosi

Kelot kulong sa pekeng yosi

January 20, 2023 @ 12:31 PM 2 weeks ago


NUEVA ECIJA- SHOOT sa kulungan ang isang lalaki matapos makuhanan ng mga pekeng sigarilyo, iniulat kahapon sa bayan ng Talavera.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Joselito Rodriguez, 53-anyos, at residente ng Barangay Lumboy, ng nasabing bayan.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng report hinggil sa iligal na kontrabando ng suspek na nagresulta sa pagkakadakip kay Rodriguez.

Narekober sa suspek ang 3 kahon ng pekeng sigarilyo na aabot sa halagang P34,000.00.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines si Rodriguez./Mary Anne Sapico