Kelot na bibisita sa preso tiklo; shabu itinago sa peanut butter

Kelot na bibisita sa preso tiklo; shabu itinago sa peanut butter

September 3, 2021 @ 3:14 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki na nagtangkang magpuslit ng shabu na nasa peanut butter sa kaibigang nakakulong sa Dumaguete City Police Station in Negros Oriental.

Kinilala ang suspek na si Jerry Joseph Mamicpic ng Barangay Mangnao.

Ayon kay Police Lt. Col. Joeson Parallag, Dumaguete City police chief, may dala si Mamicpic na plastic na bote ng peanut butter at tinapay.

Nang tingnan ng naka-duty na duty jail guard, naghinala ito sa naturang peanut butter.

Dito na nadiskubre ang shabu na nasa P6,800 at nakabalot sa masking tape na nasa loob ng peanut butter.  RNT/FGDC


  •  
  •  
  •