Kelot na ipinagpalit ng asawa nagbigti; 4 anak tinangkang lasunin

Kelot na ipinagpalit ng asawa nagbigti; 4 anak tinangkang lasunin

July 10, 2021 @ 9:18 AM 1 year ago


Isabela – Nagpatiwakal ang isang ama sa pamamagitan ng isang nylon cord matapos na ipagpalit siya sa ibang lalaki ang asawa niyang OFW at tinangka pang lasunin ang apat na anak bago niya kinitil ang kayang buhay sa lunsod ng Santiago.

Itago nalang sa pangalang Daniel 39, ang nagpatiwakal na ama isang magsasaka at residente ng Santiago City,

Ayon kay P/Col. Mike Sosa, imbestigador ng Santiago City Police Office, Station 1, isang barangay opisyal ang tumawag sa kanilang himpilan kung saan ay isang ama ang nag pakamatay sa pamamagitan ng pag bigti sa kanyang sarili.

Nang tangakain ng mga otoridad ang kabilang ang mga opisyal ng barangay ng tangkain  pasukin ang bahay ng biktima ay nahirapan sila dahil sa may kuryente ang rehas na bakal ng bintana at pintuan na kinabitan ng live wire bago umano nagbigti ito kayat pahirapan ang pagpasok sa loob ng bahay.

Batay sa salaysay ng bayaw ng biktima, bago umano ang insidente dakong alas-8:00 ng gabi noong July 8, taong kasalukuyan tinawag ng biktima ang labing tatlong taong gulang na dalagita at pinagtimpla ng tubig na may rakumin powder isang uri ng lason sa daga at pilit na ipina-iinom sa mga anak.

Kung saan ay nagawa ng 13-anyos na anak na panganay na makatas at natapos ang lason sa sahig kaya bigong mapainum ng lason ang apat na anak.

Samantala, bago umano nangyari ang pagpapakamatay ng biktima at paglason sa apat na anak napag-alaman ng otoridad na nitong mga nakalipas ng ilang araw ay dumulog sa tanggapan ng VAWC section  sa barangay ang 13-anyos na dalagita na anak ni Daniel  matapos umanong niyang himasin, lamasin ang maseselang bahagi ng katawan ng sariling anak.

Makaraan nito ay kaagad namang naireport ito sa himpilan ng pulisya kung saan ay pormal na naisampa ang reklamo sa kasong RA-710 laban sa amang si Daniel at simula noon ay lagi ng balisa at laging lasing ito.

Batay naman sa iniwang suicide note ng magsasaka, nakasulat doon na ipinagpalit na umano siya ng kaniyang asawang OFW sa ibang lalaki at kasabay naman ng paghingi niya ng patawad.\ at sa kasalukyyan ay nasa pangangalaga na ng mga kapatid ng asawa ni Daniel ang kaniyang mga anak.   JUN C. FUENTES