Kelot na most wanted sa robbery hold-up, nalambat sa Navotas

Kelot na most wanted sa robbery hold-up, nalambat sa Navotas

March 3, 2023 @ 4:21 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Bagsak sa kulungan ang isang lalaki na listed bilang most wanted sa robbery hold-up matapos matimbog sa manhunt operation ng pulisya sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong akusado bilang si Juanito Villa, 36 ng Blk 33-A Site 8, Brgy. NBBS Dagat-dagatan, Navotas City.

Ayon kay Col. Umipig, nakatanggap ang mga operatiba ng Warrant And Subpoena Section (WSS) ng Navotas CPS ng impormasyon na naispatan ang presensya ng akusado sa kanilang lugar.

Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS, kasama ang Station Intelligence Section (SIS) sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Luis Rufo Jr ng manhunt operation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado sa kanilang bahay dakong alas-2:45 ng hapon.

Si Villa ay inaresto ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Malabon City Regional Trial Court (RTC) Branch 170, para sa kasong Robbery Hold-up. Boysan Buenaventura