Kelot na nanutok ng baril sa 2 menor, utas sa parak

Kelot na nanutok ng baril sa 2 menor, utas sa parak

February 7, 2022 @ 11:56 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang construction worker matapos kumasa sa rumespondeng awtoridad  matapos na ireklamong nanutok ng baril sa dalawang menor de edad sa Port Area, Maynila.

Sa ulat ng MPD-Homicide Section, kinilala ang suspek na si Anwar Marañan, 30, residente ng 12th St., Abante Area, Brgy .650 Port Area.

Nauna rito, nanutok umano ng baril ang suspek sa dalawang menor de edad sa eskinita sa 12th St.,

Agad namang nakahingi ng saklolo at nakapagsumbong sa PCP 4 ng Baseco ang mga biktima kaya nakaresponde ang pulisya.

Pagdating sa lugar, inabutan ng mga operatiba ang suspek sa isang tindahan na bumibili.

Nang lapitan ng mga operatiba upang kausapin, sa halip na tumugon ay agad bumunot ng baril at pinaputukan ang isang pulis na si PCpl Erwin Icnay ngunit hindi tinamaan.

Dahil dito gumanti ng putok ang mga operatiba dahilan para tamaan ng Bala sa katawan ang suspek na nagresulta ng kanyang kamatayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden