Kelot na PWD patay sa torture ni konsi  

Kelot na PWD patay sa torture ni konsi  

July 8, 2021 @ 7:30 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Patay ang lalaking may mental disability makaraang i-torture ng isang konsehal at sibilyan sa Coron, Palawan.

Kinilala itong si Carlo Layaog, 23-anyos na inakusahan umano ng pagnanakaw ng kable ng kuryente sa Barangay 3 sa Coron.

Sa video na ibinahagi sa social media, nakaupo si Layaog malapit sa poste habang inaakusahan siya sa nasabing krimen.

Nagawa pa ng mga suspek na pagsalitaan at murahin si Layaog.

Kita rin dito na tinututukan ng mga suspek ang biktima ng flashlight at pinilit pang magbigay ng mensahe sa mga magnanakaw.

“Sa mga kapwa ko magnanakaw, wag na kayo magnakaw, kung gusto niyo magnakaw magtago-tago po kayo,” saad ni Layaog.

Mapapanood din sa hiwalay na video ang isang lalaking may suot na itim na t-shirt na gumagamit pa ng lagari ang biktima para i-torture.

Matapos nito ay dinala na si Layaog sa istasyon ng pulis ngunit napansin ni Police Captain Ervin Plando, hepe sa Coron na nanghihina na ang biktima kung kaya’t agad itong dinala sa ospital.

Kinabukasan ay pumanaw ang biktima dala ng traumatic injuries.

Lahad ni Plando, naghain na sila ng kasong anti-torture laban kay barangay kagawad Paul John Abe at isa pang sibilyan. RNT/FGDC