Clean-up, misting ikinasa sa San Juan vs dengue

August 15, 2022 @1:43 PM
Views:
10
MANILA, Philippines- Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang clean-up at misting sa Barangay Corazon de Jesus, San Juan City, Agosto 15, 2022.
Nakapag-ulat sa San Juan City ng kabuuang 83 dengue cases mula Enero 2022 subalit wala nang aktibong kaso hanggang nitong Agosto 12. sa kasalukuya, pinakamababa ang bilang ng dengue cases sa San Juan sa Metro Manila. Danny Querubin
8.42% vaccine wastage naitala ng DOH

August 15, 2022 @1:40 PM
Views:
8
MANILA, Philippines- Iniulat ng Department of Health (DOH) na mayroong 8.42 porsyentong vaccine wastage hanggang Agosto 12.
“The Philippines reported 8.42% COVID-19 vaccine wastage as of August 12, 2022,” sabi ni officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa Senate committee on health and demography hearing.
Ang nasabing porsyento ng vaccine wastage ay mas mababa sa 10 porsyentong indicative wastage rate ng World Health Organization (WHO).
Ayon kay Vergeire, ilan sa mga dahilan ng vaccine wastage ay ang expiration, operations-related issues kabilang ang mga bakuna na nabuksan ngunit hindi naiturok, spillage, broken vials, backflow, leftover underdose, at iba pa.
Binanggit din ng opisyal na mayroon ding masayang dahil sa kalamidad tulad ng bagong Odette noong 2021, sunog at lindol.
Mayroon ding mga bakuna na hindi nagamit dahil sa mga isyu sa pagkontrol sa temperatura.
Isinagawa ng Senate health and demography ang unang pagdinig upang talakayin ang pangkalahatang sitwasyon sa kalusugan sa bansa , COVID-19 situation, dengue situation, updates sa pagpapatupad sa Universal Health Care Law, pagpigil sa monkeypox, at pagbili at pagbibigay ng COVID-19 vaccines. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Bangkay ng neneng siklista natagpuan sa madamong lugar

August 15, 2022 @1:35 PM
Views:
19
Bulacan- Hustisya ang isinisigaw ng mga kapwa siklista ng 15-anyos na babaeng natagpuang may mga sugat sa braso, mga pasa sa leeg at wala ng buhay sa madamong lugar sa bayan ng Bustos.
Ang biktima ay isang Grade 9 student at residente ng 6A Tower Ville, Grace Ville, San Jose Del Monte.
Ayon sa paunang report, natagpuan ang bangkay ng babaeng na nasa edad 15 hanggang 21, may taas na 5’2” hanggang 5’5”, katamtamang pangangatawan, nakasuot ng puting t-shirt na may chinese characters, itim na boxer short, puting medyas at Nike rubber shoes bandang alas-9 ng umaga nitong Agosto 12, sa Bypass Road Bonga Menor, Bustos.
Dahil dito, agad nagpatawag ng SOCO ang mga awtoridad na nakitaan ng maliit na sugat sa kanang braso at mga pasa sa leeg ang biktima.
Base sa report ng pulisya, nitong umaga ng Agosto 14 ay positibong kinilala ng ama ang natagpuang bangkay na kanyang anak.
Ang biktima ay dinala na sa punerarya at nakatakdang sumalang sa autopsy habang patuloy ang follow up operation ng pulisya para makilala at mahuli ang nasa likod nito.
Kaugnay nito, maraming netizen, kaanak at kapwa siklista ang nagdadalamhati at sumisigaw ng hustisya para sa dalagita. Dick Mirasol III
2 babae arestado sa higit P3.4M shabu sa NCR

August 15, 2022 @1:27 PM
Views:
15
MANILA, Philippines- Arestado ang dalawang babae na responsable umano sa pagbebenta ng illegal na droga o shabu sa Metro Manila at kalapit na probinsya sa ikinasang buy-bust operation sa isang fastfood chain sa Sta. Cruz, Maynila.
.Kinilala ang mga naaresto na sina Ainnah Salgan, 64, at Norhanna Canapia, 19, kapwa nakatira sa San Miguel, Manila.
Sa ulat na ibinahagi ng Manila Police District-Public Information Office, aabot sa P3,450,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek sa may KFC fastfood chain na matatagpuan sa kahabaan ng Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila, Linggo ng hapon.
Pinangunahan ng mga tauhan ng PDEA RO III at PDEA Nueva Ecija PO lang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang babae sa pakikipag-ugnayan na rin sa MPD. Jocelyn Tabangcura-Domenden
ASEAN Para Games athletes, papupurihan sa Senado

August 15, 2022 @1:14 PM
Views:
16