Kelot na wanted sa kasong Cyber Libel, arestado

Kelot na wanted sa kasong Cyber Libel, arestado

July 6, 2021 @ 8:19 AM 1 year ago


ILOCOS SUR- Hindi nakapalag ang isang 30-anyos na lalaki matapos arestuhin ng mga otoridad sa Brgy. Caterman, Candon City ng lalawigang ito kahapon dahil sa kinahaharap nitong kaso sa korte na paglabag sa RA 10175 (Cyber Libel).

Ang akusado ay nakilalang si Jon Jon Manzano y Pason, residente ng naturang lugar.

Si Manzano ay inaresto ng mga pinagsanib na puwersa ng 2nd ISPMFC at Candon CPS sa bisa ng warrant of arrest na may CC# 4654-C na inilabas ng RTC Branch 71, Candon City, Ilocos Sur na may petsang June 21, 2021.

P60,000 ang recommended bail bound ng akusado.

Nasa kustodya ngayon ng 2nd ISPMFC ang akusado para sa mga kailangan na dokumentasyon bago ilipat sa Candon City Police Station.  Rolando S. Gamoso