Kelot nag-ala-spiderman sa billboard sa QC, sinagip

Kelot nag-ala-spiderman sa billboard sa QC, sinagip

December 13, 2021 @ 9:55 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Niligtas ng Quezon City Department of Public Order and Safety (DPOS) at Barangay Sauyo ang isang lalaking umakyat sa billboard sa Mindanao Ave. Linggo ng hapon, Disyembre 12.

Higit 60 ft. ang taas ng nasabing billboard na inakyat ng lalaki.

Nang masagip ang lalaki napag-alaman na taga-Brgy. Tandang Sora, sa Quezon City.

Sinabi ng lalaki na hindi niya raw alam kung bakit niya inakyat ang nasabing billboard. RNT