Kelot nag-amok, nakasalubong sa daan pinagtataga; 1 tigok

Kelot nag-amok, nakasalubong sa daan pinagtataga; 1 tigok

January 4, 2023 @ 9:00 AM 1 month ago


BALBALAN, KALINGA-Isa ang patay tatlo sugatan sa naganap na pananaga na nag-amok na sinasabing mentally challenged sa Sitio Ibbong, Brgy. Balbalasang, Balbalan, Kalinga.

Kinilala ang nasawi na si Stoop Kibayen, 80 anyos, magsasaka residente ng Balbalasang, Balbalan, Kalinga na nagtamo ng malubhang sugat sa ulo na naging sanhi ng kaniyang kamatayan.

Habang ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Vicente Lao-ing, 33 anyos, may kapansanan sa pagiisip, binata, residente ng naturang lugar.

Habang sugatan naman sina Dexter Dagson, 20 anyos, residente ng Saltan, Balbalasang, Balbalan, Kalinga; Krisvil Dao-an ,29 anyos, at Ashley Molang, 30 anyos, kapwa binata, minero at residente ng Ibong, Balbalasang, Balbalan, Kalinga.

Ayon kay PCaptain Raffy Manganip, tagapagsalita ng Kalinga Police Provincial Office, nakatanggap sila ng tawag ukol sa insidente na agad nilang nirespondahan.

Sa pagsisisyasat ng pulisya ay nagwala ang suspek at pinagtataga umano ang lahat ng kanyang makasalubong sa daan.

Napigilan lamang ang suspek sa pananaga nito nang hampasin ito ng kahoy sa ulo ng kaniyang ama at sa tulong ng isa pang nakakita sa insidente ay itinali ang pinaghihinalaan bago nadala sa pagamutan kasama ang iba pang biktima.

Bagamat sinasabing may kapansanan sa pag-iisip ang suspek ay sinampahan pa rin ng kasong homicide and multiple physical injuries. Rey Velasco