Kelot naglason dahil sa selos, dedbol

Kelot naglason dahil sa selos, dedbol

May 5, 2022 @ 9:20 AM 2 months ago


ILOCOS SUR-Tigok ang isang 39-anyos na lalaki matapos uminon ng pamatay-insekto sa bayan ng Lidlidda ng lalawigang ito.

Sa imbestigasyon ng Lidlidda Municipal Police Station, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang biktima at ang live-in partner nito dahil sa tuwing lumalabas ang kanyang dyowa para ilakad  ang mga papeles na kailangan nito sa pag-a-abroad ay nagseselos ang una at hinihinalang nakikipagtagpo sa iba ang kanyang dyowa.

Dinala pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso