Kelot naingayan sa kahol, aso binuhusan ng mainit na tubig; kulong

Kelot naingayan sa kahol, aso binuhusan ng mainit na tubig; kulong

February 22, 2023 @ 12:16 PM 4 weeks ago


CEBU CITY – KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang lalaki matapos buhusan ng mainit ng tubig ang aso bilang ganti sa palaging pagkahol sa kanya, iniulat kahapon sa lungsod na ito.

Kinilala ang suspek na si Jason Caparida Fuentes, 23 anyos, residente sa Teves Compound, Barangay Mambaling, Cebu City.

Ayon kay Patrolman Glendale Cabañero, ng Mambaling Police Station, nagtungo sa kanilang tanggapan si Gina Candia Lusido, 46-anyos, para ireklamo ang kapitbahay nitong si Fuentes hinggil sa pagbuhos ng mainit na tubig sa alaga niyang aso at nagtamo ng lapnos sa katawan.

Sa pagresponde ng mga awtoridad sa nasabing lugar naabutan nila ang suspek hindi na rin ito nanlaban ng dalhin Mambaling-PNP.

Depensa ng suspek nainis siya sa aso dahil sa palagi na lamang siyang kinakahol kaya binuhusan niya ng tubig na mainit.

Pinatawad naman ni Lusido ang suspek subalit magsasampa pa rin ng kaso ang Mambaling-PNP laban sa suspek sa paglabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act of 1998 ./Mary Anne Sapico