Kelot nalibing nang buhay sa balon

Kelot nalibing nang buhay sa balon

January 29, 2022 @ 10:45 AM 8 months ago


Pangasinan – Wala nang buhay ng mahukay sa balon ang isang lalaki matapos itong matabunan sa ginagawa nilang balon kamakalawa ng hapon sa lalawigan ito.

Kinilala ang biktimang si Gary Viray, 20-anyos at residente sa Barangay Luna Umingan, Pangasinan.

Batay sa report ng Umingan Police Station, bandang 3:00 PM naghuhukay ng balon ang biktima kasama ang iba pa para may pagkukuhanan sila ng tubig.

Lumabas sa imbestigasyon, nasa ilalim ng balon ang biktima at umabot na sa 25-talampakan ang kanyang nahukay.

Subalit, bigla na lamang gumuho ang lupa na kanilang nahukay at natabunan ang biktima.

Agad naman humingi ng tulong sa mga awtotidad ang mga kasama ng biktima para iligtas ito.

Ilang oras ang nakalipas wal ng buhay ng makuha ang katawan ng biktima.

Hinala ng mga awtoridad posibleng may malambot na bahagi ang lupa kaya ito gumuho./Mary Anne Sapico