Kelot nasaktan sa buy-bust, bagsak sa hospital arrest

Kelot nasaktan sa buy-bust, bagsak sa hospital arrest

September 25, 2020 @ 5:19 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Quezon, Philippines – Naka-hospital arrest ngayon ang isang lalaki matapos masaktan sa isang buy-bust operation sa Candelaria, Quezon.

Sa ospital ang kinahantungan ng isang tulak matapos paputukan ng ka-transaction na pulis sa ginawang buy-bust operation sa Purok 5, Brgy. Malabanban Sur, Candelaria Quezon para makatakas. (Val Leonardo)

Kinilala ang suspek na si Jayson Beñagale Nodo, 29 taong gulang ng Candelaria Quezon.

Narekober ang isang piraso ng ₱1,000.00 marked money, tatlong piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na may hinihinalang shabu, isang unit ng digital weighing scale, isang gray pouch, isang kalibre .45 pistol na may kargang bala, isang magazine ng 45 caliber na may apat na pirasong ammo, isang piraso ng fired cartridge at isang unit ng dilaw na Yamaha Mio motorcycle na walang plaka.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...