Kelot niratrat ng karibal, todas

Kelot niratrat ng karibal, todas

November 28, 2022 @ 3:59 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinasabing love triangle ang dahilan kaya pinagbabaril-patay ang isang 24 anyos na binata sa Baseco Compound, Port Area, Manila Lunes ng umaga, Nobyembre 28.

Dead on the spot ang biktimang si Marco Polo Aquino ng Blk.1 Gasangan, Baseco Compound.

Pinaghahanap naman ng mga operatiba ang gunman at dalawa nitong look-out sa isinagawang krimen.

Ayon kay Police Leutenant Dennis Turla , hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang 10:30 ng umaga, nang pasukin ng gunman ang biktima sa loob ng bahay saka ito pinagbabaril.

Mabilis din itong tumakas matapos ang insidente bitbit ang ginamit na caliber 40.

Sa impormasyon, dati umanong kinakasama ng biktima ang kasalukuyang live-in partner ng gunman.

Sa kabila nito, patuloy pa rin umanong nagpupunta ang babae kay Aquino na ikinagalit ng suspek kaya sumugod ito sa bahay ng biktima saka pinaulanan ng bala.

Nakuha sa crime scene ang limang basyo ng bala at isang hindi pumutok na bala ng nasabing kalibre.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen habang hindi pa tinukoy ang pagkakilanlan ng gunman dahil sa isinasagawang follow-up operation ng pulisya. Jocelyn Tabangcura-Domenden