Kelot patay sa kaibigan na nabitin sa alak

Kelot patay sa kaibigan na nabitin sa alak

July 10, 2021 @ 2:59 PM 1 year ago


PANGASINAN- PATAY ang isang lalaki makaraan pagtatagain ng kanyang kaibigan na umano’y nabitin sa alak habang nag-iinuman ang mga ito kahapon sa lalawigan ito.

Kinilala ang nasawi na si Alfredo Cendana, 57-anyos habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Christopher de Leon kapwa residente sa Barangay Guesang ng naturang bayan.

Batay sa report ng Mangaldan Police Station, nag-iinuman ang dalawa nang bigla na lamang nagkaroon ng pagtatalo matapos maubos ang iniinom nilang alak.

Naawat naman ang dalawa at nagpasyang umuwi ang biktima sa kanilang bahay subalit lingid sa kaalaman nito sinundan siya ng suspek na may bitbit na itak at espada saka ito pinagtataga sa harap ng bahay nito.

Nagtamo ng mga taga sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Nadakip naman ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong pagpatay./Mary Anne Sapico