Kelot patay sa kapitbahay dahil sa kambing

Kelot patay sa kapitbahay dahil sa kambing

July 14, 2021 @ 1:09 PM 1 year ago


BUCAY, ABRA- PATAY ang isang lalaki matapos barilin ng kapitbahay nang sugurin ng una ang huli dahil namatay ang alagang kambing nito sa kagat ng alagang aso ng suspek, iniulat kaninang umaga sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang Alexander Molina habang nadakip naman ang suspek na si Bobby Barro at kapwa nasa hustong gulang at nakatira sa Bucay, Abra.

Batay sa report ng Bucay-PNP, bago ang insidente sinugod ni Barro si Molina sa bahay nito para komprontahin na namatayan siya ng apat na kambing dahil sa kagat ng alagang aso ng huli.

Nagtalo ang dalawa hanggang sa binaril ng suspek ang biktima gamit ang shotgun.

Agad naman dinala sa ospital ang biktima pero kalaunan at nalagutan rin ng hininga.

Sa himpilan ng pulisya, sinabi ng suspek na walang ibang kumagat sa kanyang mga alagang kambing kundi ang aso lamang ni Molina.

Nahaharap ngayon sa kasong pagpatay ang suspek Bucay Prosecutor’s Office./Mary Anne Sapico