Kelot patay sa motel sa Maynila

Kelot patay sa motel sa Maynila

October 3, 2022 @ 5:17 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Iniibestigahan ngayon ng Manila Police District ang pagkamatay ng isang lalaki sa loob ng isang motel sa Sta.Cruz, Manila.

Sa ulat ng MPD-Homicide Section, idineklarang dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang 49 anyos na lalaki na umano’y taga Caloocan City.

Sa inisyal na imbestigasyon, pumasok sa motel sa Rizal Avenue sa Sta.Cruz, Manila ang biktima kasama ang isang babae.

Gayunman, sa kalagitnaan ng gabi ay nagpasaklolo ang babae sa staff ng establisyimento matapos umanong makaranas ng paninikip ng dibdib ang biktima.

Agad itong naisakay sa taxi at isinugod sa nasabing pagamutan ngunit hindi na umabot pang buhay.

Umamin naman ang babae na isa lamang siyang upahan at kliyente niya ang nasawi.

Pansamantalang inilagak sa Cruz Funeral Homes ang labi ng biktima habang inaalam ng pulisya ang mga kaanak nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden