Kelot patay sa operasyon

Kelot patay sa operasyon

July 31, 2018 @ 3:05 PM 5 years ago


 

Tondo, Maynila – Patay ang isang 33 anyos na lalaki nang manlaban sa mga awtoridad sa isinagawang operasyon sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Anthony Roque, alyas Toni, binata, walang trabaho ng Happy Land sakop ng Barangay 105 ,Tondo, Maynila.

Nauna rito, nagkasa ng buy bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team at Smokey Mountain PCP kaninang madaling araw dakong ala 1:45 ng madaling araw.

Pinangunahan ang operasyon nina SDET PCI Manny Israel at Smokey Mountain Police Community Precinct PSI Deve Abarra laban sa suspek kung saan nanlaban umano ito nang matunugang pulis ang kanyang katransaksyon.

Narekober sa suspek ang isang kalibre 38 revolver at 5 pirasong basyo ng bala at 11 plastic sachet ng hinihinalang shabu at isang P 500 bill na ginamit sa buy bust operation. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)