Kelot patay sa sinigawan

Kelot patay sa sinigawan

February 5, 2022 @ 11:25 AM 8 months ago


Camarines Sur- Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng food court staff matapos umanong sigawan ng una ang huli kahapon sa bayan ng Buhi.

Kinilala ang biktimang si Raffy Iriola, 32-anyos, residente ng Zone 5, Brgy San Buena, Buhi, Camarines Sur.

 Kusa naman sumuko sa pulisya ang suspek na kinilalang si Anton Dacuba, 20-anyos, residente ng Zone 6, Brgy. San Pedro, ng naturang bayan.

Batay sa report ng Buhi Police Station, naganap ang krimen sa loob ng food court sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon, nasigawan umano ng biktima ang suspek na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Dito, bumunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na at nagtamo ito ng malalim na sugat sa tagiliran.

Dinala naman sa ospital ang biktima pero dineklara na rin itong patay ng umatending doktor.

Inihahanda na ang kasong pagpatay laban sa suspek./Mary Anne Sapico