Kelot sa Cotabato patay sa pananambang

Kelot sa Cotabato patay sa pananambang

January 21, 2022 @ 10:13 AM 7 months ago


Cotabato – Sabog ang bungo ng isang lalaki makaraan pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek kagabi sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Kevin Cañada at residente ng Barangay Poblacion Pikit Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police Major Maxism Peralta, gabi ng Enero 20, naganap ang krimen sa bahagi ng Sitio Tinibtiban Barangay Batulawan ng nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, naglalakad ang biktima sa nasabing lugar ng bigla na lamang itong binaril sa ulo ng suspek na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen./Mary Anne Sapico