Kelot sa QC tiningga sa ulo, batok

Kelot sa QC tiningga sa ulo, batok

July 6, 2022 @ 9:14 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos na malapitang barilin sa ulo at batok ng hindi pa nakikilalang gunman kaninang madaling araw sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ang biktima na si Abir Gali Aslafal, 27 anyos, binata, walang trabaho, residente ng No. 154 San Miguel St., Payatas B, Q.C..

Sa ulat ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13) ng Quezon City Police District (QCPD), dakong 3:15 ng madaling araw (July 6), nang maganap ang insidente sa kalye ng San Miguel Extension St., Brgy. Payatas A, Q.C.

Sa imbestigasyon ni PCpl Claire D Benavidez ng PS 13, nakarinig umano ang mga kapitbahay ng biktima nang magkakasunod na putok na baril sa labas ng kanilang tahanan.

Nang kanilang usisain ay nakita na lamang nila na nakabulagta ang biktima at umaagos ang dugo sa ulo nito.

Narekober sa lugar ng krimen ang dalawamg piraso na live ammunition at anim na basyo ng bala na hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Patuloy ang pagsisiyasat ng kapulisan kung anong motibo ng pamamaril at pamamasalang sa biktima na posibleng makilala ang nakatakas na salarin. Jan Sinocruz