Kelot sabog sa granada

Kelot sabog sa granada

December 11, 2021 @ 12:31 PM 10 months ago


Cotabato- Patay ang isang lalaki matapos masabugan ng granada sa loob ng kanilang bahay iniulat kaninang umaga sa lalawigan ito.

Kinilala ang biktimang si Jun Briones Delos Reyes, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Old Bulatukan Makilala Cotabato.

 Batay sa report ng Makilala Police Station, bago ang insidente, umuwing lasing ang biktima sa kanilang bahay at nagtalo pa sila ng kanyang kinakasamang babae na hindi pinangalanan.

Makalipas ang ilang minuto bigla na lamang nakarinig ang mga kapitbahay ng biktima ng malakas na pagsabog.

Agad naman nirespondehan ng mga awtoridad ang tahanan ni Delos Reyes subalit nakita na lamang nilang duguan itong nakabulagta at wala ng buhay.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang pangyayari at inaalam kung suicide o aksidente ang pagsabog ng Granada habang nagtatalo ang maglive-in partner.

Nakaligtas naman ang live-in partner ng biktima sa pagsabog at hanggang ngayon ay tulala pa rin sa nangyari. Mary Anne Sapico