Kelot shoot sa rehas sa ‘sex request’ sa menor

Kelot shoot sa rehas sa ‘sex request’ sa menor

October 28, 2022 @ 5:06 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Swak sa selda ang isang 22-anyos na lalaki makaraan na dalawang beses yayain na makipagtalik ang isang menor-de-edad na ka Facebook matapos ang isinagawang manhunt operation ng mga pulis sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela Police chief Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek na si Carlo Luis Cardino, 22, residente ng Brgy. Balangkas ng lungsod.

Base kay Col. Destura, nakatanggap ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela City Police ng impormasyon mula sa kanilang impormante na naispatan ang presensya ng suspek sa Brgy. Malanday.

Alinsunod sa kampanya ng PNP laban sa mga wanted person, agad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni PLT Robin Santos ng manhunt operation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakadakip kay Cardino dakong alas-8:45 ng umaga sa M.H. Del Pilar Road, Brgy. Malanday,

Sa ulat ng pulisya, ang biktimang 17-anyos na itinagong sa pangalan na “Valentine” ay nakilala ang suspek sa facebook noong Abril taong 2021 matapos siyang padalhan ng friend request.

Ayon kay PLT Jocelyn Ebora, hepe ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Valenzuela Police, ang biktima at ang suspek ay mayroong conversations sa social media hanggang sa bigla nalamang ayain ni Cardino na makipag-sex ang biktima buwan ng Enero 2022 subalit tumanggi ang biktima.

Dahil sa pangyayari, agad na kinuhaan ng screenshots ng biktima ang kanilang conversation ng suspek at ipinadala sa kanyang mga kaanak matapos na ayain siyang muli ni Cardino na makipagtalik sa kanya buwan ng Agosto 18, 2022.

Ang warrant of arrest laban sa suspek ay lumabas matapos na nagsampa ng reklamo ang mga magulang biktima.

Mabilis na nagsagawa ng operation ang mga tauhan ng WSS sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 270 noong Oktubre 24, 2022 for the violation of section 10 (a) of R.A. 7610 in relation to section 6 of R.A. 10175 (two counts), with recommended bail of P80,000 in each count. R.A Marquez/Merly Iral