Kelot sugatan sa traffic warning signage

Kelot sugatan sa traffic warning signage

July 8, 2022 @ 8:22 AM 1 month ago


ILOCOS SUR- Sugatan ang isang 27-anyos na lalaki matapos bumangga ang kanyang motorsiklo sa traffic warning signage na nakalagay malapit sa ginagawang tulay sa Brgy. Sulvec, Narvacan ng lalawigang ito kaninang madaling-araw.

Kinilala ng Narvacan Municipal Police Station ang biktima na si Joseph Lim, Jr y Avila, 27, may asawa, residente ng Brgy. VII, Vigan City.

Nabatid na ang kulay puting Yamaha Sniper motorcycle na minamaneho ng biktima ay patungong silangang direksyon.

Pagdating sa lugar, hindi napansin ng driver ang nakalagay na signage kaya nabangga niya ito.

Dahil dito, sumemplang sa kalsada ang minamanehong motorsiklo ng biktima.

Ang biktima ay agad na isinugod sa Ilocos District Hospital sa naturang bayan matapos ang insidente. Rolando S. Gamoso