Kelot tigok sa baha sa CDO

Kelot tigok sa baha sa CDO

October 18, 2022 @ 9:31 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang residente habang maraming iba pa ang naiulat na nasugatan sa pag-agos ng tubig-baha na naitala sa dalawang mababang barangay sa Cagayan De Oro, nitong Linggo ng gabi.

Natagpuan ang katawan ng biktima sa Zone 5, Barangay Bugo. Isinugod pa ito sa ospital pero dead on arrival na.

Kinilala naman ang biktima na si Artemio Gonzales, ayon sa isang ulat.

Base pa rito, sinusubukan umanong kunin ng biktima ang kanyang motorsiklo pero nasama sa anod ng baha.

Aabot naman sa halos 200 pamilya ang inilikas dahil sa baha.

Nagbigay ng paunang tulong ang lokal na gobyerno tulad ng food packs at gamot. RNT