Kelot tigok sa huling indak

Kelot tigok sa huling indak

May 28, 2022 @ 12:35 PM 1 month ago


NORTHERN SAMAR- Tadtad ng saksak at wala ng buhay ng matagpuan ang isang kelot matapos pagtulungan saksakin ng anim na hindi pa kilalang suspek makaraan mapag-tripan ito ng mga huli sa sayawan ng una Biyernes sa bayan ng Laoang.

Kinilala ang biktimang si Elves Barron, 29- anyos, mangingisda at residente sa Brgy.Langob Laoang Northern Samar.

Ayon kay PMAJ. Ricardo Banhawan, hepe ng Laoang Municipal Police Station, Biyernes ng gabi natagpuan ang bangkay ng biktima sa madamong bahagi ilang metro ang layo sa kanilang bahay sa naturang lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima gabi ng Mayo 24, 2022 na dumalo sa sayawan sa kanilang barangay.

Kuwento ng ilang saksi, habang sumasayaw ang biktima bigla na lamang itong nakursunadahan ng 6 na kalalakihan at pinagsusuntok ito.

Nagawa pa umanong makatakbo ng biktima subalit hinabol pa rin ito ng mga suspek hanggang sa hindi na ito nakauwi pa sa kanilang bahay simula Mayo 25.

Makalipas ang tatlong araw natagpuan na lamang ang bangkay ng biktima na tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga awtoridad para sa agaran ikadarakip sa mga suspek at mapanagot. Mary Anne Sapico