Kelot tiklo sa bala, bato at tsongki

Kelot tiklo sa bala, bato at tsongki

November 2, 2022 @ 8:30 AM 1 month ago


ILOCOS SUR – Arestado ang isang 38-anyos na lalaki matapos salakayin ng mga otoridad ang bahay nito sa Brgy. Maratudo, Magsingal ng lalawigang ito kahapon ng umaga, Nobyembre 1.

Nasamsam dito ang mga nakatagong bala ng baril at mga hinihinalang mga droga.

Kinilala ng Magsingal Municipal Police Station ang suspek na si Mindo Baruela y Marquez, 38, may live-in partner, magsasaka.

Ang pagsalakay ay ikinasa ng mga pinagsanib na puwersa mula sa Magsingal MPS (lead unit), PDEA RO1, ISPIU/PDEU, RDEU at 1st ISPMFC sa bisa ng search warrant No. 13-2022 na may petsang Oktubre 28, 2022 na inilabas ng korte.

Sa naturang raid ay nakasamsam ang mga otoridad ng 11 heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu; 17 heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang marijuana dried leaves; isang disposable na kulay orange na lighter; isang aluminum foil; isang improvise scope (color blue/whie straw); 7 live ammunitions ng cal. 5.56 na baril; isang empty shell ng cal. 5.56; at 2 live ammunitions ng cal. 40.

Tinatayang tumitimbang ng humigit-kumulang sa 1 gramo at nagkakahalaga ng P6,800.00 ang hinihinalang shabu na nakumpiska ng mga otoridad sa naturang raid samantalang umaabot naman ng humigit-kumulang sa 10 gramo at nagkakahalaga ng P1,200 ang nakumpiskang hinihinalang marijuana. Rolando S. Gamoso