Kelot tiklo sa boga sa Caloocan

Kelot tiklo sa boga sa Caloocan

November 18, 2022 @ 2:48 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Shoot sa kulungan ang 46-anyos na lalaki matapos itong makuhanan ng baril matapos ipatupad ang search warrant ng pulisya laban sa suspek sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan Police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang suspek na si Christopher Espayos alyas “Pher-Pher”, 46, residente ng Brgy. 186, Tala ng nasabing lungsod.

Base sa isinumiting report ni Col. Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Intelligence Section (IS) ng Caloocan Police na mayroon hindi lisensyadong baril ang suspek.

Kaagad nagsagawa ng joint operation ang mga operatiba ng IS sa pangunguna ni P/Major John David Chua, kasama ang 4th MFC-RMFB NCRPO at Northern NCR Maritime Police Station saka ipinatupad ang isang search warrant na inisyu ni Executive Judge Raymundo G. Vallega ng Regional Trial Court (RTC) Branch 130 para sa paglabag sa Section 28 of R.A. 10591 (Comprehensive law on firearms and ammunition) sa bahay ng suspek sa Saint Martha St., Barracks II, Barangay 186, Tala, Caloocan City dakong alas-2:20 ng madaling araw.

Pagsapit ng mga operatiba ng intelligence section sa lugar ng suspek ay nasamsam ng mga ito ang isang cal. 38 revolver na may tatlong bala na dahilan upang dakpin ang suspek matapos walang maipakitang kaukulang mga dokumento hinggil sa legalidad ng baril na pagmamay-ari.

Mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive law on firearms and ammunition) ang suspek. R.A Marquez