Kelot tiklo sa P.6M shabu, baril

Kelot tiklo sa P.6M shabu, baril

July 9, 2021 @ 9:29 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos makumpiskahan ng halos P.6M halaga ng shabu at baril sa Caoocan City Biyernes ng madaling-araw.

Ibinalibag sa selda si Fahad Pagayawan y Ramos, 20, may-asawa, istambay, ng Riverside, Phase 12, Brgy. 188, Tala, Caloocan City.

Alas-3 ng madaling araw nang masakote si Pagayawan sa Sta. Rita, Brgy. 188, Caloocan City nang paiskorin ng shabu ang isang undercover.

Aabot sa 85 gramo ng shabu ang nakumpiska sa supeks na may presyong P578,000, isang kalibre 45 pistola na walang serial number, isang magazine at anim nab ala ng nasabing baril.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Durgs Act at Comprehensive Firearms and Ammunition  Act ang haharapin ng suspek. RNT/FGDC