Kelot tiklo sa P204K ‘tobats’ sa Bulacan buy-bust

Kelot tiklo sa P204K ‘tobats’ sa Bulacan buy-bust

August 3, 2022 @ 3:03 PM 1 week ago


Bulacan- Arestado ang umano’y tulak matapos mabilhan at mahulihan ng P204,000 pinaghihinalaang shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng San Rafael.

Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na ‘Waway’.

Sa report, ikinasa ang operasyon ng Bulacan Provincial Intelligence Unit laban kay Waway bandang alas-8 ng gabi nitong Agosto 2, sa Brgy. Tambubong ng naturang bayan.

Ayon sa report, pinosasan ang target ng mga awtoridad matapos ang transaksyon sa poseur buyer.

Nasamsam sa operasyon ang anim na sachets na tumimbang ng 30 grams, may Dangerous Drug Board value P204,000.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang yunit. Dick Mirasol III